Noong taong 1996, ibinaba ng Sistemang UP ang Sentro ng Wikang Filipino (SWF) sa mga constituent unit. Sa susog ni Prof. Virgilio Almario, naging mandato ng SWF Manila ang pagsasalin bilang natatanging serbisyo. Tugon ito sa hamon ng pagsasalin sa mga medikal na kahingian ng saliksik kaugnay na rin ng pagpapalawig ng UP Palisi sa Wika (Patakarang Pangwika). Sa ngayon, patuloy na nagpupunyagi ang SWF Manila sa pagtahak sa propesyonalisasyon sa pagsasalin sa pamamagitan ng mga palihan na magpapanday sa kagalingan (forging/cultivating excellence) ng kalipunan ng mga tagasalin at editor nito. Ito ang munting ambag ng SWF Manila sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan, wika ng saliksik, at wika ng akademya.
Asst. Prof. Carolina S. Pulumbarit, MA
Isinilang ang Sentro ng Wikang Filipino makaraang maaprobahan ng Lupon ng mga Rehente ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) noong Mayo 29, 1989 ang UP Palisi sa Wika (Patakarang Pangwika). Ambag ang patakarang ito sa pagsasabuhay ng mga probisyong pangwika sa Konstitusyon. Itinatakda ng Artikulo XIV, seksiyon 6 at 7 ang ganito:
Misyon
Itaguyod ang UP Palisi sa Wika (Patakarang Pangwika). Pasiglahin ang kamalayan at danas sa pagkatuto at intelektuwal na talastasan sa wikang Filipino bilang wika ng karunungan, wika ng saliksik, at wika ng akademya. Matugunan ang hamon ng pagsakatutubo ng mga termino sa sektor ng agham pangkalusugan, saliksik at salin.
Bisyon
Isulong ang paggamit ng wikang Filipino sa pag-aaral, pananaliksik at opisyal na komunikasyon sa UP Manila.
Dangal, Integridad, Pananagutang Panlipunan, Pagkamakabayan, Kahusayan
| Pangalan ng Serbisyo: | Translation/Editing Services |
|---|---|
| Mga Kliyente: | UP Manila Constituents, iba pang institusyon |
| Mga Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan: | upm-swf@up.edu.ph / 02 8814 1246 |
| Paglalarawan: | Ang Sentro ng Wikang Filipino-UP Manila ay opisina sa ilalim ng tanggapan ng Bise Tsanselor para sa Gawaing Akademiko na nagtataguyod ng mga proyekto at programa ukol sa pagpapayabong at pagpapaunlad ng wikang Filipino at sa patakarang pangwika ng Unibersidad ng Pilipinas. |